2 Nasaksak sa away ng 4 Kalalakihan sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang dalawang kalalakihan matapos saksakin ng nakaalitan kagabi sa RTC Street, Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Michael Martin, 25 anyos, binata, welder at si Reggie Magadan, 23 anyos, binata at mga pawang boarders sa Minante 1, Cauayan City, Isabela habang ang mga suspek ay sina Marvin Corpuz at Dexter Corpuz na residente rin ng naturang lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, pauwi na sa kanilang boarding house ang dalawang biktima nang lapitan ng suspek na si Dexter Corpuz si Reggie Magadan at nagkaroon ng pagtatalo.


Inawat naman ng is apang biktima na si Michael Martin ang dalawang nagtatalo subalit naglabas ng patalim ang isang suspek na si Marvin Corpuz at isinaksak sa kaliwang braso ni Martin at sa likod ni Magadan.

Agad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang kanilang pananaksak habang itinakbo naman sa pagamutan ang dalawang biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cauayan City para sa garang pagkahuli ng dalawang suspek at motibo ng pananaksak.

Facebook Comments