2 nasawi, 2 sugatan, at 5 nawawala dahil sa epekto ng sama ng panahon

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng dalawang nasawi, dalawang sugatan, at limang nawawala dahil sa epekto ng pinagsamang habagat at nagdaang Bagyong Mirasol at Bagyong Nando.

Ang mga biktima ay mula sa Regions 3 at 5 kung saan ongoing pa ang validation.

Samantala, lumobo pa sa 22, 322 pamilya o katumbas ng mahigit 82,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon mula sa 140 brgys sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Gitnang Luzon, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Sa ngayon mayroong isang kalsada at limang tulay sa Cagayan Valley ang hindi muna madaraanan ng mga motorista.

Habang nasa 21 kabahayan ang winasak ng sama ng panahon, 14 dito ang partially damaged at 7 ang totally damaged.

Umaabot na sa P2.8M ang tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Facebook Comments