Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa walang tigil na pag-ulan na bunsod ng Low Pressure Area (LPA).
Sa Davao de Oro, matinding binaha ang Barangay Bantacan sa New Bataan at Barangay Ngan sa Compostela.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, dalawa ang napaulat na nawawala sa Davao de Oro dahil sa pagbaha.
Samantala, patuloy na uulanin ngayong araw ang Palawan at Mindanao bunsod ng LPA na huling namataan sa layong 15 kilometers southeast ng Davao City.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat ding pag-ulan ang mararanasan sa Visayas dahil sa LPA.
Habang apektado pa rin ng northeasterly windflow ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, at Quezon.
Facebook Comments