Manila, Philippines – Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue ng tax evasion case ang 2 negosyante sa Department of Justice.
Partikular na kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 ay sina Maria Cheryl Corpuz Lagat at Eduardo Socuaje, Jr.
Si Lagat ay hinahabol ng gobyerno dahil sa halos P17M na tax liabilities para sa taong 2010.
Samantala si Socuaje naman na solong nagmamay-ari ng Gold East TradiNG ay mayroong P27.9M tax liabilities sa pamahalaan noong 2010 makaraang mabigong magdeklara ng tamang kita.
Ito na ang ika-44 at 45 kaso na naihain ng BIR sa ilalim ng kanilang Run After Tax Evaders (RATE) program.
Facebook Comments