Manila, Philippines – Sinampahan ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang negosyante dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Partikular na kinasuhan ng paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 sina Maria Cheryl Corpuz Lagat at Eduardo Socuaje, Jr.
Si Lagat ay hinahabol ng gobyerno dahil sa halos P17-million na tax liabilities para sa taong 2010 habang P27.9-million naman ang kay Socuaje.
Samantala, dalawang korporasyon din ang hinahabol ngayon ng gobyerno dahil sa kaparehong kaso.
Ito ay ang Hanwell Industrial Corporation, mga opisyal na sina Felix Chung Lopez at Maribeth Lopez at Ang Jin Hung Bijou Art, Inc. at presidente nitong si Anavette Guevarra.
Kabuuang P13.6-million na tax liabilities ang hindi nababayaran ng dalawang kumpanya.