2 NPA, Patay sa Engkwentro sa San Mariano, Isabela

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang squad lider at isang regular na kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos makipag sagupa sa tropa ng 95th Infantry Battalion ng 5ID, Philippine Army sa barangay Tappa, San Mariano, Isabela.

Kinumpirma ito ni Major Jeckyll Dulawan, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5ID kung saan naganap ang engkwentro pasado alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, Oktubre 29, 2021.

Ayon kay Maj. Dulawan, nasa humigit kumulang sampung rebelde ang nakalaban ng kasundaluhan kasama ang tropa ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company.


Narekober din ng kasundaluhan ang dalawang (2) M16 rifle na baril na naiwan ng mga tumakas na rebelde.

Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments