Nasa dalawa o tatlo pang vaccine developers ang inaasahang magpapasa ng application para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) head Rowena Cristina Guevarra, hinihintay nilang maghain ng EUA application ang mga vaccine manufacturers sa Food and Drug Administration (FDA).
Bagamat inaasahan nila na may mga mag-aapply pa ng EUA, malabong magkaroon ng approvals ngayong buwan.
Inaabot aniya ng higit sa isang linggo para sa FDA na iproseso ang EUA applications.
Facebook Comments