2 OFWs, naitalang kabilang sa bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong

2 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang panibagong imported na kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

Dalawang OFWs ay kapwa bakunado sa Pilipinas bago bumiyahe patungong Hong Kong.

Sila ay kapwa asymptomatic at patuloy na naka-isolate ngayon doon.


Bukod sa dalawang OFW, tatlo pang pasahero mula United Kingdom ang kabilang din sa imported cases sa Hong Kong.

Kahapon, isang OFW lamang ang naitalang kasama sa imported cases sa Hong Kong.

Facebook Comments