2 OFWs sa India, namatay dahil sa COVID-19

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr., na dalawang kababayan natin ang nasawi sa naturang bansa dahil sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Ambassador Bagatsing na kahapon lamang nila nalaman ang malungkot na balita na ipinabatid ng kanilang employers.

Ayon kay Bagatsing, ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay nasa managerial level ang trabaho sa India.


Sa ngayon, naipaalam na sa mga naulilang kaanak ng dalawag nasawing OFWs ang sinapit nang mahal nila sa buhay.

Hindi nga lang maiuwi ang mga labi sa ngayon dito sa Pilipinas dahil naka-lockdown ang karamihan ng lugar sa India dahil sa dami ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa ngayon, dahil sa double mutant variant ng COVID-19, pumapalo sa higit 300,000 ang new cases sa India sa isang araw.

Nabatid na simula nang tumama ang pandemya nakapagtala ang India ng higit 16 million COVID-19 cases kung saan nasa higit 190,000 na ang nasawi.

Facebook Comments