2 opisyal ng cold storage facility na kinomtempt ng Kamara, sumuko na

Kusang sumuko sa Kamara ang dalawang opisyal ng cold storage facility na ARGO Trading na pina-contempt ng House Committee on Agriculture and Food at pinapakulong ng sampung araw.

Ayon kay Committee Chairman Mark Enverga, ito ay sina ARGO Trading President Efren Zoleta Jr., at legal counsel na si Atty. John Ryan Cruz na sumuko kahapon bandang ala-1:30 ng hapon.

Sabi ni Enverga, makakasama nila John Patrick Sevilla, ang operations manager ng ARGO Trading na naunang nalagay sa detention facility ng Kamara.


Magugunitang sa pagdinig ng komite noong March 7 ay ipina-contempt ang nabanggit na mga opisyal ng ARGO Trading makaraang mabigong isumite ang mga dokumento kaugnay sa kanilang kliyente at inventory ng sibuyas na inimbak sa kanilang pasilidad.

Banta ni Enverga, kung kakailanganin ay ipapakulong din nila ang mga magsisinungaling pa sa kanilang pagdinig ukol sa hoarding at manipulasyon sa presyo ng sibuyas at iba pang agricultural products.

Facebook Comments