2 OVERFLOW BRIDGES SA CITY OF ILAGAN, NANANATILING ‘PASSABLE’

Nananatiling passable ang Baculud at Cabisera 8 Overflow Bridges sa lungsod ng Ilagan bagaman nakararanas ng pabugsu-bugsong pag-ulan sa lugar.

Maaari pang dumaan maging ang mga light vehicles sa nabanggit na mga overflow bridges sa siyudad.

Kaugnay nito, ayon sa PDRRMC Isabela, as of 8:00 PM ng September 25, nakataas pa rin ang Storm Signal No. 2 sa limang bayan sa Katimugang bahagi ng Isabela partikular ang Dinapigue, Echague, Jones, San Agustin, at San Guillermo at Storm Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng lalawigan.

Batay sa pinakahuling datos mula sa ahensya, maliban sa mga overflow bridges sa lungsod ng Ilagan, nananatiling Passable rin ang limang iba pa sa lalawigan gaya ng sa San Agustin, Echague, Cauayan City, Cabagan–Sta. Maria, at Sto. Tomas.

Sa kabilang banda, tanging ang overflow bridge sa bayan ng Reina Mercedes lamang ang hindi na madaanan at kasalukuyan ang ginagawang restorasyon.

Facebook Comments