2 pang barangay sa bayan ng Sharif Aguak, drug-cleared at drug-free na!

Idineklara ng Oversight Committee na pinamumunuan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang 2 pang barangay sa bayan ng Shrif Aguak sa Maguindanao bilang drug-cleared at drug-free barangays.
Ito ay ang barangay Barangays Kuloy at Bagong.
Sa kasalukuyan ay mayroong 4 na mga barangay sa bayan ang idedeklara pang drug-cleared at drug-free barangays ng Oversight Committee pagkatapos ng 30 araw na ibinigay sa kanila na palugit upang kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento.
Muli naman inihayag ni Sharif Aguak Mayor Engr. Marop B. Ampatuan ang kanyang suporta sa adbokasiya ni Pang. Rodrigo Roa Duterte sa paglaban at pagpapaigting ng kampanya kontra paglipana ng illegal drugs.
Pinasalamatan din naman ng alkalde ang mga Punong Barangays sa kanilang kooperasyon sa paglaban sa illegal drugs, activities.

Facebook Comments