2 pang batch ng Pinoy crew ng MV Transworld Navigator, dadating sa bansa ngayong linggo

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na dalawang batch ng Pinoy seafarers mula sa MV Transworld Navigator ang dadating sa bansa ngayong linggo.

Ayon sa OWWA, ang isang batch ay dadating sa bansa bukas ng gabi.

Kahapon, una nang dumating ang limang Pinoy crew na kabilang sa mga nakaligtas sa pag-atake ng Houthi rebels.


Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers na tumutulong ang licensed manning agency at ship owner sa repatriation ng mga nakaligtas na Pinoy seafarers.

Facebook Comments