2 pang batch ng Pinoy repatriates mula Lebanon at Israel, darating sa bansa bago mag-bagong taon

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Officer-in-Charge (DMW-OIC) Hans Leo Cacdac na may Filipino repatriates pa mula Lebanon at Israel ang dadating sa bansa bago mag-bagong taon.

Ayon kay Cacdac, partikular na dadating sa December 28 ang ika-pitong batch ng pinoy repatriates mula Lebanon gayundin ang ika-14th batch mula Israel.

Kinumpirma ni Cacdac na umabot na sa 510 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel at Lebanon ang napauwi ng pamahalaan simula nang umatake sa Israel ang Hamas nitong October 7.


Tiniyak din ni Cacdac na tuloy ang kanilang pagproseso sa iba pang Pinoy na sasailalim sa voluntary repatriation program kahit na holiday season.

Facebook Comments