2 pang biktima ng kidney for sale, lumutang sa NBI

Lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa pang indibidwal na naging biktima ng kidney for sale.

Kabilang dito ang isang tuluyang naging biktima ng sindikato ng kidney organ trafficking.

Ang isang biktima na tumangging humarap sa media ay nagkaroon ng samu’t saring sakit matapos ibenta ang kanyang kidney.


Inabot din umano ng anim na buwan bago ito nabayaran ng buo na P200,000.

Ang isa naman ay muntik na ring maging biktima matapos makipagtransaksyon sa Facebook page ng mga nagbebenta ng kidney.

Sa pahayag ni alyas Ariel, nakararanas kasi siya ng depression kaya’t nagpasya siyang pasukin ang Facebook page ng mga nagbebenta ng kidney at inalok ang kanya sa halagang 300,000.

Buti na lang aniya, hindi nagtugma ang kanyang blood type sa pasyente kaya’t hindi ito natuloy.

Pero hindi aniya natapos ang dami ng nag-inquire hanggang sa magpasya siya na huwag na lang ituloy.

Kabilang sa aalamin ng NBI ay ang posibildad na may kaugnayan ito sa naaresto ng ahensya sa San Jose del Monte Bulacan kamakailan na tatlong suspek.

Facebook Comments