2 pang diplomatic protests, inihain ng DFA laban sa China

Muling naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng dalawang diplomatic protests laban sa China.

Kasunod ito ng pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Bajo de Masinloc noong April 24 at 25.

Partikular ang sinasabing shadowing, blocking o pagharang at radio challenges ng Chinese Coast Guard sa PCG habang nagsasagawa ng lehitimo at maritime patrols at training exercises.


Muli ring prinotesta ng DFA ang patuloy na pananatili daang-daang mga barko ng China sa Philippine maritime zones sa West Philippine Sea.

Partikular sa Pag-asa Islands, Zamora Reef, Panata at Kota Islands gayundin sa Ayungin Shoal, Quirino Atoll at Bejo de Masinloc.

Muli ring nanindigan ang DFA sa pagpapaalis nito sa mga barko ng Tsina sa mga karagatang inaangkin ng Pilipinas.

Una nang naghain ang DFA ng 78 na diplomatic protests laban sa China.

Facebook Comments