2 pang disqualification cases laban kay BBM, napunta sa Comelec 1st Division

1138

2 pang disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang napunta sa Commission on Elections (Comelec)-1st Division.

Partikular ang disqualification cases na inihain ng Akbayan at ni Abubakar Mangelen.

Ang Comelec-1st Division ay binubuo nina Commissioners Rowena Guanzon, Aimee Ferolino, at Marlon Casquejo.


Sa ngayon, 3 disqualification cases na laban kay Marcos ang pending sa Comelec 1st Division.

Habang pending naman sa 2nd Division ang 2 petitions na humihiling na ikansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Bongbong Marcos at isa ring petisyon ang nakahain sa 2nd Division na humihiling na ideklara itong nuisance candidate.

Facebook Comments