2 pang high ranking officials ng MPD, nag-positibo sa COVID-19

Dalawa pang high ranking officials ng Manila Police District (MPD) ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay MPD Public Information Officer (PIO) Col. Carlo Magno Manuel, umaabot na ngayon sa 240 ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga tauhan ng MPD.

12 sa naturang bilang ang naka-recover na, habang ang 5 iba pa ay nasa Patricia Quarantine Facility sa Tondo, Maynila.


Inabisuhan naman ni MPD chief Gen. Rolly Miranda ang lahat ng kanilang tauhan na nagkaroon ng close contacts sa dalawang high ranking officials na makipag-ugnayan sa MPD District Health Service Office para ma-monitor ang kanilang kalagayan.

Una nang nilinaw ni Miranda na negatibo sa COVID-19 ang nasawi na si MPD-Station 9 chief Pol. Lt. Col. Michael Garcia bagama’t inatasan pa rin ang mga tauhan ng MPD na nagkaroon ng close contact sa opisyal na sumailalim sa monitoring ng health workers.

Facebook Comments