Manila, Philippines – Ikinanta ni Randy Oavenada ang dalawang kasamahan nito na tumulong sa kanya sa pagpatay, panununog at panggagahasa sa bank employee sa Barangay Rosario, Pasig City.
Ayon kay Oavenada, hindi lamang siya nag-iisa ng gawin ang naturang krimen kung saan pinangalanan niya sa pulisya pero hindi muna babanggitin ng EPD ang pangalan ng ikinanta ng suspek upang hindi masira ang kanilang isinagawang imbestigasyon matapos sampahan ng kasong Homicide with rape ang naturang suspek sa piskalya ng Pasig.
Una rito, nagpositibo sa finger print ni Oavenada sa cellphone ni Mabel Cama at sa linoleum na natagpuan na ginamit sa pagbalot sa katawan ng biktima kung saan positibo rin ito sa paggamit ng iligal na droga.
Ikinatuwa naman ni Reynaldo Cama ang naging development sa kaso at umaasa na mahuhuli pa ang mga kasamahan ni Oavenada sa karumal dumal na pagpatay sa kanyang anak na isang bank employee.