2 pang labi ng nasunog na barko sa Basilan, na-recover ng PCG

Na-recover ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Basilan ang labi ng isa sa mga pasaherong sakay ng nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Kinilala ang biktima na si Jack Bungso, residente ng Maimbung, Sulu.

Na-recover din ng Coast Guard Station Isabela ang katawan ni SSgt. Audron Cerbatos ng Philippine Army (PA) na isa sa 25 army personnel na sakay rin ng nasunog na barko.


Dinala ng mga PCG personnel ang labi sa Isabela City, Basilan.

Tinanggap ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at SOCO para masuri at maihatid sa Zamboanga City.

Sa ngayon, umabot na sa 31 ang mga binawian ng buhay dahil naturang insidente.

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue/retrieval operations ng PCG para mahanap ang dalawa pang nawawalang sakay ng nasunog na barko.

Facebook Comments