2 pang lugar sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, isinailalim sa 15-araw na Extreme Localized Community Quarantine

Dalawa pang lugar sa Muntinlupa City ang isinailalim sa 15-araw na Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID-19.

Partikular ang Bldg. 18 at Sitio Aplaya sa Rizal St., Brgy. Poblacion mula kaninang tanghali hanggang sa September 18 ng tanghali.

Ito ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng City Health Office matapos ang mabilis na pagkalat ng infection sa lugar.


Sa ngayon, 14 na lugar na sa Muntinlupa City ang isinailalim sa lockdown mula nitong nakalipas na Agosto.

Puspusan naman ang malawakang swab testing sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments