2 pang Omicron subvariants, mino-monitor ng WHO

Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na mino-monitor nilang lahat ang Omicron subvariants.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav na mahigpit nilang binabantayan ang alinmang development sa BA.4 at BA.5 subvariant ng Omicron na una nang naiulat sa South Africa at Europe.

Ayon kay Dr. Yadav, wala pang kongkretong ebidensya o pag-aaral hinggil sa panibagong subvariants na ito ng Omicron.


Aniya, napatunayan namang mas nakahahawa ang Omicron variant kung ikukumpara sa orihinal variant ng COVID-19.

Pero hindi pa aniya masabi sa ngayon kung ito ba ay mas nakamamatay o mas mabagsik.

Ang importante aniya ay sa kahit anong variant ng COVID-19 ay mahigpit na sundin ang health and safety protocols, huwag magpapakampante at itaas ang vaccination coverage.

Facebook Comments