2 pang opisyal ng PCAB na may hawak na construction firm at nasa likod ng maanomalyang flood control projects, iniimbestigahan na rin ng DTI

Iniimbestigahan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dalawa pang miyembro ng Philippine Construction Accreditation Board (PCAB) na may mga hawak di umano ng mga construction firm.

Ito’y alinsunod na rin sa panawagan ni Senator Panfilo Lacson na magkaroon ng agarang imbestigasyon matapos na lumabas na ang mga kumpanyang pag-aari ng dalawang opisyal ay nakakuha ng mga kontrata sa pamahalaan habang sila ay nakaupo sa PCAB.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, kumikilos na ang binuo nilang Technical Working Group (TWG) o Fact Finding Team para malaman ang mga butas sa loob ng PCAB.

Aniya, willing din daw na makipag—cooperate sa DTI ang nagbitiw sa pwesto na si dating Executive Director Herbert Matienzo ukol sa nasabing loophole sa loob ng ahensya.

Una nang sinabi ng ahensya na kailangang tiyakin ang transparency at accountability sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan upang mapanatili ang tiwala ng publiko at maprotektahan ang pondo ng bayan.

Facebook Comments