2 pang ospital, nabigyan ng compassionate permit para sa Ivermectin

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na dalawa pang ospital ang nabigyan ng compassionate special permit para magamit ang anti-parasitic drug na Ivermectin para sa COVID-19 patients.

Sa ngayon, limang ospital na ang binigyan ng basbas ng FDA para gamitin ang Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID.

Nanindigan naman ang FDA na huwag pangalanan ang dalawa pang ospital dahil sa usapin ng privacy.


Ang mga doktor na magbibigay ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID ay obligadong mag-report sa FDA kada buwan.

Muli ring ipinaalala ng FDA na ang mga doktor na magbibigay ng nasabing experimental drug ang mananagot sakaling may side effects na mangyari sa pasyente.

Facebook Comments