2 pang Pinoy sa Afghanistan, nailikas sa UK at Qatar

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 2 pang Pilipino sa Afghanistan ang nailikas na rin sa United Kingdom (UK) at Qatar.

Ayon sa DFA, sa ngayon 211 na mga Pinoy na mula sa Afghanistan ang kabuuang nai-evacuate.

24 na mga Pinoy na lamang ang natitira doon at 8 sa mga ito ay nakatakda na ring sumabay sa repatriation ng pamahalaan ng Pilipinas.


Habang ang 16 naman na iba pa ay nakatakda na ring umalis ng Afghanistan pero sa pamamagitan ng magkakaibang channel at schedule.

Una nang kinumpirma ng DFA na ilan sa mga Pinoy sa nasabing bansa ang tumanggi munang umuwi ng Pilipinas at sa halip ay nagpaiwan sa magkakaibang bansa sa iba’t ibang kadahilanan.

Facebook Comments