2 pang tauhan ng PNP, nadagdag sa mga nasawi sa COVID-19

May dalawa pang pulis ang nasawi dahil sa COVID-19, dahil dito umabot na sa 106 ang bilang ng mga nasawi sa Philippine National Police (PNP)

Si Patient 105 ay isang Patrolman na bakunado na ng 1st dose.

Nagkaroon siya ng septic shock at pneumonia na pinalala ng COVID-19.


Habang si Patient 106 naman ay Police Executive Master Sergeant na bakunado na rin.

Siya ay nagkaroon ng Acute Respiratory Distress Syndrome (ARDS) na kumplikasyon na dulot ng COVID-19.

Samantala, nanatiling mataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na nasa 219 kahapon.

Ang mga nagkasakit na ito ay nakatalaga sa National Headquarters, National Support at Administrative Unit ng PNP at iba’t ibang Police Regional Offices sa bansa.

Habang 215 naman ang bilang ng mga bagong gumaling.

Mula sa datos, ngayon ay umabot na sa 2,022 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments