Kinumpirma ni Secretary Duque ang panibagong dalawang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bunga nito umakyat na sa lima ang naitalang kaso ng virus sa Pilipinas.
Ang isang kaso o ang ika-apat na kaso ay isang 48 years old na Pinoy na galing ng Japan at naka-confine na ngayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang ikalimang kaso naman ay isang 62 years old na lalaki rin na hypertensive, diabetic, may severe pneumonia, walang travel history sa abroad pero siya ay madalas na magsamba sa isang mosque sa Greenhills, San Juan City.
Ang dalawang panibagong nagpositibo sa bansa ay kasalukuyan nang naka-confine at patuloy na ginagamot.
Nagsasagawa na rin ang DOH ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang pasyente.
Facebook Comments