2 Pasahero sa Pampasadang Tricycle, Aprubado na sa bayan ng Aurora

39

Cauayan City, Isabela-Maaari nang magsakay ng dalawang (2) katao sa mga pampasaherong tricycle sa bayan ng Aurora, Isabela simula bukas, Enero 9, 2021.

Sa kanyang facebook live, inihayag ni Mayor Joseph Christian Uy, ito ay batay sa naipasang ordinansa ng konseho noong Enero 4.


Ayon sa alkalde, magkahiwalay pa rin ang pasahero na ang isa ay nasa likuran ng drayber habang isa naman sa loob ng side car subalit kailangan pa rin matiyak na may harang na plastic sa pagitan ng drayber at pasaherong nasa likod nito.

Sa usapin naman ng pamasahe, ibababa na sa dalawang beses na pagsingil sa pasahe na kung dati ay higit sa apat na beses kahit na isa lang ang maisakay na pasahero.

Una nang nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa mga tricycle driver at sumang-ayon naman sila sa nasabing paraan.

Facebook Comments