2 pasahero, sugatan matapos biglaang magpreno ang MRT-3 sa Shaw Boulevard station

Mandaluyong City – Sugatan ang dalawang pasahero nang biglang magpreno ang bagon ng MRT-3 sa northbound ng Shaw Boulevard station sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga nasugatan ay isang 30-taong gulang na babae na nagtamo ng gasgas sa kanang braso at isang 68-taong gulang na napilayan sa kaliwang dibdib.

Nagka-problema sa Automatic Train Protection (ATP) on board signalling system ang bagong MRT dahilan para biglaang mag-preno ito.


Halos apat na beses nagka-aberya ang tren ng MRT kung saan alas 8:15 nang umaga ay pinababa ang mga pasahero sa Magallanes Station Northbound at alas 8:22 ng umaga, ang mga pasahero naman sa Boni Station Southbound ang pinababa dahil sa technical problem.

Facebook Comments