2 pasaherong nagkainitan sa flight, nagsuntukan pagdating sa NAIA 1

Nagdulot ng tensyon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 1 arrival area ang suntukan ng dalawang pasaherong negosyante na galing ng Vietnam.

Sa imbestigasyon ng PNP Aviation Security Group, sa eroplano pa lamang ay nagkainitan na ang dalawa dahil sa inihigang upuan ng isa sa Philippine Airlines flight sina Kim Cary Temblique, 34 anyos ng Sta. Maria Bulacan at si Anthony Asuncion, 49 years old, na taga-Maynila.

Nabatid na maging ang kasamang pamilya ng dalawa ay nakisali na rin sa sagutan sa loob ng eroplano.


Paglapag sa NAIA 1, habang naghihintay ng kanilang bagahe ang dalawang pasahero ay naghamunan ito ng suntukan sa may palikuran ng arrival area.

Agad naman silang inawat ng mga guwardiya ng paliparan at kanilang mga asawa.

Ang dalawang negosyante ay agad na dinala sa PNP AVSEGROUP para sa imbestigasyon.

Sila ay kapwa sumailalim din sa medical checkup dahil sa tinamong mga pasa sa mukha, katawan at ulo.

Facebook Comments