2 patay 1 pinaghahanap pa sa magkahiwalay na kaso ng pagkalunod sa ilog sa Maguindanao

335

Patay ang isang 7 anyos na batang lalaki habang patuloy na pinaghahanap ang 5 anyos na batang babae matapos malunod sa Kakal River sa bayan ng Ampatuan Maguindanao.

Sa impormasyong ipinarating ni Anwar Emblawa sa DXMY RMN COTABATO, kamag aral aniya ng kanyang pamangkin ang batang nalunod na kinilala lamang sa pangalang Pikit, mag aaral ng Kamasi Elementary School.

Sinasabing nagkayayaan ang mga bata na maligo kahapon ngunit sa di malamang rason ay nalunod ang mga ito.


Matapos ang ilang oras na paghahanap ay natagpuang wala ng buhay si Pikit habang hangang sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang batang babae.

Samantala, wala na ring buhay ng makita kahapon ang 29 anyos na ginang mula sa Brgy Romangaob South Upi matapos malunod sa Darugao River lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Anne Anne Teban, magsasaka at may pitong anak.



Tumatawid si Anne Anne sa tulay na gawa sa kawayan kasama ng kanyang mister at 5 anyos na anak ng aksidenteng maputol ang tulay at dirediretso silang nahulog sa nooy tila galit na ilog.

Nakaligtas ang mag ama nito ngunit di na nagawang umahon pa ng biktima. Bumubuhos ang malakas na ulan ng mangyari ang insidente. (DENNIS ARCON)


PIC Courtesy: FB Account of Kamasi , Ampatuan Chairperson

Facebook Comments