2 Patay, 2 Sugatan Matapos Makuryente

26

Cauayan City, Isabela- Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawa nilang kasama matapos silang makuryente sa Brgy. San. Isidro, Luna, Isabela.


Kinilala ang mga nasawi na sina Rodrigo Ramil, 56 taong gulang, may-asawa at Anthony Agcaoili, 46 taong gulang, may asawa na kapwa residente ng Brgy. Lalog 2, Luna, Isabela.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang dalawa nilang kasama na sina Leynard Agcaoili, 22 taong gulang at Allen Rey Agcaoili, 17 taong gulang na parehong residente rin ng Barangay Lalog 2.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-aayos ng tubo ang mga biktima para sa ilalagay na pump-well nang aksidenteng masagi ng tubo (tripod) ang pinaka linya ng ISELCO na sanhi ng kanilang pagkakakuryente.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima subalit binawian na ng buhay sina Ramil at Agcaoili.

Facebook Comments