2 PATAY, 2 SUGATAN, MATAPOS PAGBABARILIN SA ISANG KAINAN

Cauayan City – Nasawi ang dalawang kalalakihan habang sugatan naman ang dalawa pa matapos silang pagbabarilin ng kanilang nakaalitan sa Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-18 ng Hulyo.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, parehong nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang apat na biktima at ang dalawang suspek ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito na nauwi sa pamamaril sa mga biktima.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang apat na nabaril, ngunit dalawa sa hindi na pinangalanang biktima ang bigong makaligtas.


Kaagad ring tumakas ang dalawang suspek lulan ang isang Toyota Vios ngunit natukoy na ang pagkakakilanlan ng mga ito sa pamamagitan ng kuha ng CCTV footage.

Samantala, ayon sa nakalap na impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, ang isa sa mga natukoy na suspek ay nasawi na rin at kasalukuyan pang inaalam ang posibleng dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments