2 patay, 7 sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Aguilar Pangasinan

409

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 7 matapos ang karambola dalawang elf truck at dalawang motor.


Ayon sa report ng PNP Aguilar, naganap ang aksidente sa Pangasinan-Tarlac Highway Barangay Bocacliw Aguilar Pangasinan na ikinasawi ng nina Jose Dadibas, residente ng Mangatarem Pangasinan at Willy Sagsagat, residente ng Aguilar Pangasinan.

Sugatan naman ang lulan ng isnag truck na si Dante Ugriano, Gelnn Sison, Joey Martin, Michael San Antonio, Erwin Barte at Eugene Bangaoisan,
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang isang elf truck di umano ay sumabog ang kaliwang gulong at nawalan ng kontrol dahilan upang maagaw nito ang linya ng paparating na truck ay nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang katao.

Bumangga naman sa dalawang concrete barrier ang driver ng dalawang motorsiklo at kasalukuyang nagpapagaling sa Hospital kasama ng apat pang sugatan.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing aksidente.

Photo Credit: PNP Aguilar

Facebook Comments