2 patay sa away sa Davao City dahil lang umano sa amoy ng septic tank

618

Patay ang 2 katao at kritikal ang apat na iba pa nang magkaroon ng barilan sa Davao City dahil sa away na nag-ugat umano sa amoy ng septic tank.

Ayon sa Buhangin Police, nagreklamo ang kapitbahay ni Rolando Salazar, 66, ang Navarro family dahil sa mahabong amoy ng tangke na nauwi umano sa pag-aaway.


Tumindi raw ang alitan kaya nauwi sa pamamaril ni Salazar sa nagreklamong pamilya na agad ikinamatay ng isa sa mga ito.

Apat naman dito ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa nangyaring insidente.

Samanatla, patay din ang anak ng suspek nang mabaril niya rin ito.

Agad namang nahuli ng mga pulis si Salazar na sinubukan pa umanong tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen.




Humaharap sa kasong murder at frustrated murder ang suspek base sa ulat ng awtoridad.

Facebook Comments