2 Patay sa Banggaan ng Motorsiklo at Sasakyan sa Alicia, Isabela!

277

*Alicia, Isabela-* Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na sasakyan pasado alas dose kaninang madaling araw partikular sa maharlika highway ng brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rey tad-o, hepe ng PNP Alicia, Isabela, inaalam pa sa ngayon ng PNP ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi na sakay ng motorsiklo habang ang driver ng Hilux ay si Elmer Reymund Mabbayad, 50 anyos, empleyado ng pribadong kumapnya at residente ng South Francisca, Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Ayon kay PCI Tad-o, magkasalungat na binabaybay ng mga biktima at suspek ang maharlika highway nang biglang masalpok ng motorsiklo ang kasalubong na sasakyan.

Aniya, mabilis ang pagpapatakbo ng dalawang biktima kaya’t hindi agad napansin ang paparating na sasakyan.

Sa lakas na impak ng banggaan ay tumilapon ang katawan ng dalawang biktima na naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara din ang mga ito na Dead on Arrival (DOA).

Dinala na sa PNP Alicia ang dalawang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang patuloy pa na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.

Facebook Comments