2 patay sa hiwalay na insidente ng pananaksak sa Negros Occidental

Negros Occidental – Patay ang dalawang trabahador habang dalawa ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pananaksak sa Barangay Bacong Bago City, Negros Occidental.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nasaksak sina July Orbita at Jesus Dela Cruz habang may inaayos lang ang mga ito na sasakyan.

Itinuturo namang suspek ang isang alyas Gamay, na umano ay lasing nang maganap ang insidente.


Matapos naman ang ilang minuto, inundayan din ng saksak ang mga kasama nila sa trabaho na sina Demetrio Villacorsa at Rodelo Nava na kapwa binawian ng buhay.

Nangyari ang insidente hindi kalayuan sa pwesto nila Orbita at Dela Cruz.

Sinisilip na ngayon ng awtoridad kung may kaugnayan ang dalawang insidente ng pananaksak.

Facebook Comments