5 patay sa magnitude 6.1 na lindol sa Porac Pampanga

1598

5 na ang napaulat na namatay o casualties sa gumuhong apat na palapag na gusali sa Porac Pampanga dahil sa 6.1 magnitude na lindol

 

Ito ang iniulat ni Pampanga Governor Lilia Pineda sa isinagawang press briefing sa mga local na mamamahayag dito.


 

Ayon sa inisyal na ulat na trap ang mga biktima sa loob ng Chuzon grocery store sa bayan ng Porac.

 

Ayon kay Pineda hinihintay pa niya ang full report ng alkalde ng Porac na si Mayor Carling Dela Cruz.

 

Samantala bukod sa gumuhong concrete welcome arch sakop ng Lubao Pampanga at Bgry Balsik sa bayan ng Hermosa Bataan ay nagkaroon din ng damage ang ilang portion ng Clark International Airport, yung malaking krus sa St Augustine Church sa bayan ng Lubao Pampanga ay gumuho din.

 

Sa FVR megadike ay napaulat din ang mga bitak habang nagkalat naman ngayon ang mga salamin na nabasag dahil sa lindol sa JB Lingad Memorial Hospital sa San Fernando City.

 

Sa bahagi ng Olongapo City ay nagkaroon din ng malalaking bitak o cracks ang harapang pader ng SM City Olongapo.

Facebook Comments