Dalawa na ang naitalang nasawi sa sakit na Meningococcemia sa Pangasinan ngayong taon, ito ang kinumpirma ng Pangasinan Health Office.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Ana De Guzman, PHO Officer,isang 1 year old ang naapektuhan ng nasabing sakit sa Basista Pangasinan, 6 years old naman sa Bayambang Pangasinan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ahensya sa lugar kung saan nakatira ang dalawang nasawi at inaalam kung mayroong nahawaan.
Nagsagawa na rin ng community assembly ang PHO upang mabigyan ng kaalaman sa upang maiwasan ang mahawa sa taong mayroong meningococcemia.
Samantala, nagpaalala si De Guzman na magpakonsulta agad sa mga eksperto kung nakakaranas ng sintomas ng meningococcemia gaya ng lagnat, pananakit ng ulo, sore throat, pagsusuka at pagkakaroon ng mga pantal pantal sa katawan.
2 patay sa Meningococcemia sa Pangasinan
Facebook Comments