Nasawi ang dalawang katao sa nangyaring shooting attack sa Halle City, Germany.
Ito ay kasabay pa ng paggunita ng ‘Yom Kippur,’ ang pinakabanal na araw sa kalendaryo ng Judaism, kung saan nagkikita ang mga Hudyo.
Ayon sa Halle Municipal Government, ang unang insidente ng pamamaril ay nangyari sa isang synagogue, habang ang ikalawang insidente ay naganap sa isang kebab bistro.
Ang pamamaril ay narekord pa sa livestream.
Kinondena ng German government ang anumang anti-semitic violence.
Nagdeklara na rin ng emergency situation kung saan pinayuhan ang mga residente na manatili sa kanilang mga bahay.
Facebook Comments