PBBM, hindi susuportahan ang mga impeachment complaint laban kay VP Sara

Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na hinding-hindi nito susuportahan ang mga inihaing impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, malinaw ang naging pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag ng mag-aksaya ng oras sa impeachment kaya naman hindi nila ito susuportahan.

Pinabulaanan din ni Bersamin na ang mga pahayag na politikal o inisyatibo ng Palasyo ang impeachment complaint.


Wala aniya silang kinalaman dito at mas maraming pang mahahalagang bagay ang dapat na asikasuhin.

Tulad aniya ng sinabi ng Kongreso, hahayaan na lamang ng Palasyo na gumulong ang proseso ngayong naihain na ang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Facebook Comments