2 PDEA agents sugatan sa buy bust operation sa Pasay

Dalawang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency  o PDEA ang sugatan sa nangyaring shooting incident bunga ng buy bust operation sa Buendia corner Harrison lungsod ng Pasay kaninang alas 7:30 ng umaga.

Kinilala ni Pasay City Police Chief Police Senior Superintendent Bernard Yang ang mga biktima na sina PDEA agent 3 Charmelaine Tang at PDEA agent 2 Richard Suere.

Parehong nagtamo ng gunshot wounds ang dalawang ahente ng PDEA at agad na naisugod sa San Juan De Dios Hospital.


Samantala sugatan din ang isang suspek na kinilala lamang sa alyas na boy at isang kasabwat na parehong nakatakas.

Kasunod nito patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga otoridad laban sa naturang drug suspects.

Facebook Comments