2 pekeng traffic enforcers, huli sa Makati

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos magpanggap na mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City.

Ayon kay Police Major Howell Joseph Greñas ng Highway Patrol Group (HPG), naaktuhan nila ang mga suspek na nagbibigay ng security sa isang negosyante.

Aniya, nakasuot pa ng uniporme ng MMDA ang mga suspek at gumamit rin ng mga blinker at sirena.


Sabi naman ng dalawa, dati silang mga empleyado ng MMDA pero isang taon na silang wala sa serbisyo.

Mahaharap ang dalawa sa kasong usurpation of authority at illegal use of sirens and blinkers.

Facebook Comments