Pinaghahanap ngayon ng PNP ang dalawang persons of interest kaugnay ng pagpapasabog ng granada sa isang mosque sa Sitio Logoy Diutay, Brgy. Talon-Talon Zamboanga City kahapon ng hatinggabi.
Ito ang sinabi ni PNP spokesman ssupt Bernard Banac, kaugnay ng insidente na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng 4 na iba pa.
Ayon kay Banac, walang CCTV footage na narekober sa lugar, at pinatay pa umano ng mga suspek ang streetlight kaya madilim sa labas ng mosque nung maganap ang paghahagis ng granada.
Giit naman ni Banac na ang insidente ay walang kinalaman sa jolo Cathedral bombing at iniimbestigahan pa ngayon kung ano ang possibleng motibo sa krimen.
Kahapon ay sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na possibleng may balak ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa mosque na pag-awayin ang mga kristyano at muslim na magsimula ng “religious war” sa Mindanao.