2 PH Eagle, ipapadala sa Jurong Bird Park sa Singapore

Photo Courtesy: Philippine Airlines

Binigyan ng special treatment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Philippine Eagles – ang 15-year old male na si ‘Geothermica’ at 17-year old female partner nito na si Sambisig.

Ang eagle couple ay ambassadors ng Philippine Biodiversity – na ipapadala sa Jurong Bird Park bilang bahagi ng International Philippine Eagle Loan Agreement sa Wildlife Reserves Singapore.

Mayroon ding Philippine passports ang mga agila, kung saan lulan sila ng Philippine Airlines (PAL) flight PR507 kasama ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Umaasa silang sina Geothermica at Sambisig, na nanggaling sa Philippine Eagle Center sa Davao City ay aalagaang mabuti sa kanilang dalawang taong pananatili sa Singapore.

Ang pasaporte ng dalawang agila ay mapapaso sa June 26, 2021.

Facebook Comments