2 pharmaceutical firm, nag-apply para sa EUA ng anti-viral drug na Molnupiravir

Nag-apply na ang dalawang pharmaceutical firm para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Molnupiravir, isang antiviral na gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, kabilang sa nag-apply ng EUA ang Faberco at MedEthix na posibleng maaprubahan ngayong buwan.

Aniya, kasalukuyan nang ginagamit sa bansa ang Molnupiravir matapos mabigyan ng Compassionate Special Permit (CSP).


Nauna nang nagsabi ang Faberco na napili nito ang Ritemed Philippines para mag-distribute ng Molnupiravir sa pribadong sektor, ospital at treatment site.

Facebook Comments