2 Pilipino, kumpirmadong kabilang sa mga nasawi sa malawakang wildfire sa Hawaii

Natagpuan na ang mga labi ng dalawang Pilipino na napabilang sa mga nasawi dahil sa malawakang wildfire na nangyari sa Hawaii.

Kinilala ang mag-inang biktima na sina Conchita Sagudang at ang kanyang panganay na anak na si Danilo Sagudang na parehong nagmula sa probinsya ng Abra.

Ito ay positibong kinilala ng mga forensic experts sa Lahaina, Hawaii.


Ayon kay Edna Sagudang, anak at kapatid ng mga biktima, namatay ito habang nagtatangkang takasan ang wildfire sa naturang lugar.

Sa post nito sa kanyang social media, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat sa lahat kanyang mga kaibigan at kamag-anak na tumulong sa paghahanap sa kanilang ina at kapatid simula ng napaulat itong nawawala.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang 79 year old na biktima sa mahigit 100 na nasawi dahil sa wildfires.

Sa ngayon ay umabot na sa 114 ang kabuuang bilang ng mga namatay habang mahigit isang libong indibidwal pa rin ang nanatiling nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Facebook Comments