Hindi pa rin natatagpuan ang dalawang karpinterong Pilipino sa New Zealand matapos magtungo sa Papanui (pey-pey-nuy) Point sa Raglan, isang sikat na lugar para sa rock fishing.
Ayon sa ulat, October 31 nang magpunta sa Papanui Point sa Raglan, New Zealand sina Olson Canatoy at Eric Dabalos para mangisda pero hindi na ito nakabalik.
Aminado naman ang mga otoridad na hirap mahanap ang dalawa dahil sa lakas ng alon.
Sa nagyon, gumamit na ng drone at eagle helicopter sa paghahanap kung saan tumulong na rin maging ang katrabaho nina Eric at Olson.
Kilala ang Papanui Point at katabing Ruapuke (ra-puk) beach bilang peligrosong lugar sa mga nagra-rock fishing dahil sa lakas ng alon.
Facebook Comments