2 piloto dumaan sa tamang training, ayon sa acting PNP Spokesman

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kumpleto sa training ang pilot at co-pilot ng bumagsak na chopper ng PNP sa Brgy. San Antonio, San Pedro, laguna.

Ayon kay Directorate for Police Community Relations Director at Acting Spokesperson Major General Benigno Durana, nagpakadalubhasa sa America at France sina Police Lieutenant Colonel Ruel Zalatar ang pilot at co-pilot na si Police Lieutenant Colonel Rico Macawili.

Bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon, posibleng accidental contact sa overhead powerline ang isa sa nakikita ngayong dahilan ng pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni PNP Chief Director General Archie Gamboa, PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac at anim na iba pa.


Dahil sa insidente, grounded na ngayon ang lahat ng chopper na ginagamit ng PNP.

Paliwanag ni Durana, ang twin-engine bell 429, ay gawa sa America at ito rin ang parehong helicopter na laging ginagamit ni PNP Chief Gamboa sa kanyang malalayong aktibidad.

Facebook Comments