2 Pinoy na malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels, dadating na bukas sa bansa

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na uuwi na sa bansa bukas, March 14 ang dalawang Filipino seafarers na malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ang dalawang Pinoy crew men ay isasakay sa air ambulance.

Tiniyak naman ni Cacdac ang full assistance at suporta na ibibigay ng pamahalaan sa dalawa pagdating nito sa bansa.


Isa sa kanila ay nasunog ang mukha habang naputulan ng paa ang isa.

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa rin nare-retrieve ang mga labi ng dalawang Pinoy na nasawi sa naturang pag-atake matapos na masunog ang MV True Confidence na sinasakyan ng Pinoy seafarers.

Facebook Comments